Navigation

Shanti Dope feat. Flow G - Kamusta Lyrics

Shanti Dope - Kamusta (feat. Flow G) Latest Single Released: 27 May 2022 Written by Lester Paul Vano, Shanti Dope & Flow-G Support Shanti Dope Music
Shanti Dope feat. Flow G - Kamusta Lyrics




Shanti Dope - Kamusta (feat. Flow G)

Latest Single Released: 27 May 2022
Written by Lester Paul Vano, Shanti Dope & Flow-G
Support Shanti Dope Music Buy & Stream on Spotify
Play Live via YouTube Music below ↓


Lyrics:

[Producer]
Y-y-young God

[Verse 1: Flow G]
Kamusta ka sana ayos lang
Lagi lang akong nandyan
Kaso lang ang damot ng bibig
Para san pa kung handa kong makinig
Pag gipit kung sa sarili mo masyado kang bilib
Mahihirapan ka lang nang mahihirapan
Kung ipipilit mong wala kang kahinaan
Kadalasan alak pa ang mas pinipili mong sandalan
Di ka masaya nanghihiram ka lang ng tapang
Dama ko na may kinikimkim na hirap ka na rin tiisin
Kaso nasanay kang pinapakita na lahat ay kaya mo rin panisin
Hindi ka takot matulungan kung tutuusin, takot lang na tuksuhin
Kaya di masagot kada tatanungin kung meron bang nakakubli?

[Chorus: Klumcee]
Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti at kutitap ng iyong mga mata?
Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang sabihin ang iyong nadarama?
Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan
Pupwede mo akong sabihan

[Verse 2: Shanti Dope]
Pero para makuha yung sakin mabuhay ang dami ng kasalanang nagawa
Hindi ko na nga mapagkatiwalaan sarili pa'nong ikaw pa kaya?
Hindi madama yung lungkot o saya nagtataka lang bakit may hininga pa ko
Baka gumaan pa bigat ng dala pag wala, tulad ng kung anong bago
Habang yung katinuan naka kadena sa alak, usok, at tableta
Sa napalang mapait tatakasan saglit pagbalik gano'n pa din eksena (Huh)
Kulong sa sistema, parang malaya sa laki ng selda
Kulang na nga lang ipako sa krus sa dami nanghudas ng para sa pera
Katulad nilang gusto pa ko masira, kahinaan di ko maipakita
Layo ng gusto ko pa marating na naliligaw din pag walang gasolina
Kanina ay nasa dulo ng bangin, lason sa hangin sarap damahin
May lubid sa puno sinabit daliri ko sa'king baril bago kalabitin

[Chorus: Klumcee]
Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti at kutitap ng iyong mga mata?
Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang sabihin ang iyong nadarama?
Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan
Pupwede mo akong sabihan

[Verse 3: Shanti Dope & Flow G]
Buhay nya na hiniram ay kinuha pa nya nang hindi nagpaalam
Sa mga kaibigang nakatawanan, sa dami ng di nya gustong naranasan
Sa mga huling hininga nya na lang inasahan mahanap ang kapayapaan
Hirap manalo pag nasa loob ng isipan ang pinaka naging kalaban (Ugh)
Meron bang dapat sisihin, paligid, sarili, mundong magulo
Hindi ko alam kung kanino ba dapat ituro yung dulo ng hintuturo
Alam mong hindi ka makakalimutan, hinaharap nagawang talikuran
Kinakausap ka habang nasa likod ng salaming may saradong pintuan
Malapit ka nang bumigay dama ko, wag ka magmadaling maabo
Magkakaasawa ka pa at magkakaanak ka pa hanggang sa magkaapo
Kapag ganitong-ganito yung wala abot na abot ko kung ba't ka lito
Tadhana ang palabiro, pagsubok ang pampatino
Buhay parang byahe maraming hadlang
Ikaw na bahala kung pano mo sasakyan
Natural lamang na mabigatan, kaya hanapin ang pampagaan
Yan ang paraan, kasama yan, wag mag alala kung meron bang nakakubli?

[Chorus: Klumcee & Flow G]
Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti at kutitap ng iyong mga mata?
Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang sabihin ang iyong nadarama?
Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan
Pupwede mo akong sabihan
Meron bang nakakubli sa likod ng 'yong ngiti at kutitap ng iyong mga mata?
Mabigat ba sa dibdib 'pag laging pinipigilang sabihin ang iyong nadarama?
Di mo gustong malaman ng mundo ang kahinaan mo
Kung wala kang malapitan
Pupwede mo akong sabihan

Shanti Dope lyrics are the property and copyright of their owners. "Kamusta" lyrics provided for educational purposes and personal use only.

Share
Next
This is the most recent post.
Previous
Older Post

Museek Hub

Post A Comment: